Kita ng Kontribusyon (Dibidendo) para sa Taong 2015, ibinahagi na sa mga Kasapi

Natanggap na ng mga kawani ng PHLpost na kasapi ng Provident Fund Office ang kita ng kanilang kontribusyon para sa taong 2015 matapos itong aprubahan at pagtibayin ng Board of Trustees noong Agosto taong 2016.

Simula taong 2005 nang mamigay ang Provident Fund Office ng dibidendo – ito ang pagbabahagi ng kita base sa indibidwal na kontribusyon ng mga kasapi nito.

Sa pagsusuma ng tanggapan ng Provident Fund, ang kabuuang kita na ating naipamahagi ay umabot sa P 19,737,524.91. Bawat piso na iyong kontribusyon ay kikita ng halos Php 0.21 or 21%.

Dalawang uri ng dibidendo ang ibinigay para sa mga kasapi, Cash at Equity Income. Ang cash income ay naipamahagi sa tulong ng Postal Payment Delivery Division noong mga buwan ng Marso hanggang Mayo 2017 na nagkakahalaga ng P11,842,514.95 o 60% ng kabuuang kita na ipamamahagi para sa taong 2015. Samantala, ang “equity income” naman ay idinagdag sa kasalukuyang kontribusyon ng bawat kasapi. Ito ay nagkakahalaga ng P 7,895,009.96 o 40% ng kita na ipamamahagi para sa taong 2015.

dividend declaration



  • Address: Philpost Provident Fund Office 4th Flr. Manila Central Post Office Building, Liwasang Bonifacio, Manila
  • Contact Number: (02) 255-2018 ; 527-00-60 / (02) 256-1233
  • Email Address: ppcprovidentfund[a]yahoo.com
Copyright © 2016. Philippine Postal Corporation - Provident Fund Office. All rights reserved.