Membership Informational Campaign para sa Taong 2018 sinimulan na ng Provident Fund Office.

Ang kauna-unahang “Membership Informational Campaign” para sa taong 2018 ay sinimulan na ng Provident Fund Office sa Philpost Area 6 noong Abril 5. Ito ay ginanap sa The Mansion Hotel, Iloilo City at dinaluhan ito ng halos isandaang (100) kawani mula sa iba’t ibang rehiyon o Post Offices ng Kanlurang Kabisayaan. Naroon rin ang ating pinakamamahal na Postmaster General Joel L. Otarra upang makiisa sa ating hangarin na makapaglingkod ng tapat at mahusay sa ating mga kasapi.

Layunin ng Membership Informational Campaign na ito na maihatid ang mga programa at balakin ng Provident Fund Office para sa taong 2018 at darating pang mga taon. Ibinahagi nila ang ilan sa mga programang higit na magpapaganda at magpapahusay ng operasyon ng Provident Fund Office gaya ng “computerization, pagkakaroon ng sariling website at pagpapabilis sa proseso ng pagpapautang. Iniulat rin ng Pamunuan ng PFO ang kanilang balakin na makatulong sa kanyang mga kasapi na makakuha na isang Health Maintenance Organization na magbibigay ng health care plan sa murang bayad lamang.

Gayundin, hinikayat ng ating Board of Trustees sa pangunguna ng ating Taga-Pangulo na si Ginoong Gilbert B. Javier ang ipa bang kawani ng Area 6 na maging kasapi ng Provident Fund Office upang sila ay mabahaginan rin ng iba’t ibang benepisyo gaya ng pautang sa murang interest, dibidendo base sa kontribusyon at seguro para sa kani-kanilang maiiwan na pamilya.

Sa kabuan, ang ginanap na Membership Informational Campaign ay naging matagumpay at lubos ang pasasalamat ng Pamunuan ng Provident Fund Office sa mainit na pagtanggap ng Area 6 sa pangunguna ng kanila Acting Director, Atty. Benjie S. Yotoko.



  • Address: Philpost Provident Fund Office 4th Flr. Manila Central Post Office Building, Liwasang Bonifacio, Manila
  • Contact Number: (02) 255-2018 ; 527-00-60 / (02) 256-1233
  • Email Address: ppcprovidentfund[a]yahoo.com
Copyright © 2016. Philippine Postal Corporation - Provident Fund Office. All rights reserved.